heto nanaman

Kahapon. 

Kahapon bumalik ang lahat.

Yung kaba, yung excitement, saya at kilig.
Bumalik lahat sa isang iglap.

Eto talaga si Charie!” Pabirong sabi mo noong nagbibiruan tayo sa barn. Ako kasi ang nangongolekta ng articles at niloloko ko ang mga nagpapasa. Masaya ako tuwing nakikita kitang malapit. Sa totoo lang, gustong gusto kitang maging malapit sakin.

Hanggang sa sila Xyro kasama ang friends niyang magaganda (na usually ay sinasamahan mo) nagyayang pumunta sa Battle of the Bands. NEU Fair kasi. Gusto kong sumama, naexcite na ako kasi moment na yun para makakulitan ka. E biglang humirit yung kaibigan ko at sinabing, “Nood tayo show ah.”

Hindi ako nakatanggi. Sa isip-isip ko, sayang hindi pala kita makakasama.

Tinanong pa nga kami ni Xy kung sasama kami. Sabi ko “Hindi. Layo eh, dyan nalang sa malapit hahahahaha.

Pero okay lang. Malay mo may ibang pagkakataon pa. Nag-abang kami at pumila upang manood ng show (Freshmen Musicals: An American in Paris)

At oo nga. Bigla kang dumating at lumapit sa pila, kumakain ka pa nga ng seaweed candy (na bigay sayo ni Kuya Junel from Japan) tas nakita ko bigla mong i-dinura.

Ang lansa pala.”
Ano ba yan?” Si Dang.
Seaweed candy. Bigay to ni kuya Junel, akala ko naman yung sinasabi niya e yung isinasawsaw sa bagoong, yung nabibili sa palengke.

Tawanan.

Amuyin mo.”

Tas pinaamoy mo sakin. Ewan ko, di naman ako kausap mo. Si Dang diba? Pero pinaamoy mo din kay Dang. Malansa nga talaga.

Akala ko manonood ka Battle of the Bands?”
“Di ah. Support ako syempre! Saka ang layo e. Tinamad ako”

Same answer. Narinig mo kaya yung sinabi ko kanina?

Nakita kitang umalis. Sabi mo ikaw na hahanap ng SM nila na mag-aayos ng props sa loob ng barn.

Pinapapirma na kami for attendance.
Nag open house at pinapasok na ang mga tao.
Nagsimula ang palabas at hindi manlang kita nakitang bumalik.

Nalungkot ako syempre. Inaasahan kong babalik ka.

Buti nalang kalagitnaan ng show, nakakita ako ng lalaking kasing built ng katawan mo, kasing tangkad mo, kasing gwapo mo at kasing bango mo.

Bumalik ka.

Sa harap ka namin umupo.

Nagulat ako syempre. Kung alam mo lang kung anong feeling ng mini-heart attack na naramdaman ko nung makita kita. Nag lit up ang lahat ng bagay at ginusto kong tapusin ang show. Ang saya.

Lumingon ka pa nga, hinahanap mo ba ako? Kami? Tas napatingin ka sa direksyon ko. Bigla kang kumaway.

Nginitian kita. Kilig-kilig nanaman ako syempre.

Natapos ang show. Umalis kami ng barn, bago makalabas madadaanan ko ang kinatatayuan mo.

Nakita kong tumingin ka. Tumingin ka nga ba o guni-guni ko lang yun? Inaasahan mo bang tatawagin kita? Inaasahan mo bang sasabihin kong “uy sabay na tayo uwi”. Inaasahan mo ba?

Kasi gustong gusto kong sabihin yun pero hindi ko magawa.
Hindi ako tulad ni Lara na kayang sabihin yun sayo, hindi ako tulad ni Miriam para maagaw ang atensyon mo, hindi ako si Darlene para samahan mo at lalong lalong hindi ako ang babaeng magugustuhan mo.

Simple lang ako at umaasang mapapansin mo.

Hanggang sa pag-sakay sa tricycle nakikita kita sa isip ko. May nakita pa akong kapareho ng sapatos at pants mo. Akala ko ikaw, akala ko makakasabay na kita pauwi pero hindi.

Guni-guni ko lang ang lahat.

Pati sa panaginip, ikaw ang nasa isip ko. Napanaginipan kong kasama kita, sa isang lugar na malayo at di kilala.

Ang close natin dun. Nag-uusap tayo, nagsasayaw. Lahat ng pagdikit ng balat mo sa balat ko, parang totoo.

Siguro lahat ng bagay na nangyari sa panaginip ko kailanma’y di magkakatotoo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s