Chareng

Binasa ko yung mga luma nating conversations. Hindi ko akalain na ganun na pala kadami yung mga napag usapan natin, hindi ko alam na ganun pala tayo ka-close dati.

Hindi ko mapigilang mapangiti.

Hindi ko mapigilang malungkot.

Naisip ko na sa loob pala ng napakaraming araw ng pag iiwasan natin, ang dami na palang nasayang. Pakiramdam ko tinapon ko lahat ng mga pagkakataon; mga pagkakataon na pwede pa’ng magbigay daan tungo sa mas malalim nating pagkakaibigan.

Oo, nagkaroon na tayo ng closure. Nag-sorry narin tayo sa isa’t-isa, pero alam ko namang hindi na maibabalik yung dati nating pagkakaibigan. Kasi may awkwardness na na nakaharang.

O siguro, pwede pa’ng maibalik. May pagkakataon pa. Pero maliit na maliit na linya na lamang ng tiyansa at pag-asa.

Ngayon, tuwing nakikita kitang may kasamang iba, tuwing nakikita kitang nakikipag tawanan at nakikipag kulitan; hindi ko maiwasang malungkot. Kasi alam kong dapat ako yun. Dapat kasama mo ako. Dapat mas close tayo.

Kung hindi lang sana ako unang umiwas at sumuko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s