patuloy na umaasa, mahal

Nauna syang magising. Natural naman na sa mga lalaki ‘yun diba? Kahit madaling araw na kaming natulog ang aga aga padin nyang bumangon. Hanga talaga ako sa kanya.

Bumangon sya at nagpunta sa kusina. Nanatili akong nakahiga at nagpapanggap na natutulog. Binabantayan ko ang kilos nya.

Maya maya lang ay nangamoy ang isang masarap na aroma ng gatas sa buong bahay. Gatas, itlog, tocino.

Nagluluto sya ng agahan.

Lihim ako napangiti sa pag iisip na napaka responsable nya; ang lalaking pinili kong makasama.

Nakarinig ako ng marahang paglapag ng mga kubyertos sa lamesa at di rin nagtagal ay narinig ko ang mga yabag ng paa nya’ng musika sa aking tenga.

Lumapit sya sa kinahihigaan ko at marahang inayos ang buhok ko’ng bahagyang nakatakip sa aking mukha.

“Magandang umaga, Mahal ko.” Bati nya sabay halik ng marahan sa aking noo. Ramdam ko ang ngiti nya, naamoy ko ang mabangong halimuyak ng kanyang buhok at ang amoy ng mamahaling pabangong ini-regalo ko sa kanya.

Naramdaman kong nandito sya. Naramdaman ko ang presensya nya.

Dali dali kong imunulat ang aking mga mata. Sa pag aakalang makakapiling ko’ng muli siya.

Ngunit sa aking pagdilat ay isang bakanteng kwarto lamang ang nakita.

Walang gamit. Walang disenyo. Tanging isang litrato lamang na nakapaskil sa pader ng lumang kwarto.

Ang litrato ng aming kasal.

Sa aking pagluha’y ibat ibang kulay ang nakita. May asul, pula hanggang sa balutin ng itim ang aking paningin. Umabot ito sa aking utak at sa dulo’y ipinroseso ang isang kahindik hindik at di malilimutang araw.

Ang araw ng iyong pagpanaw.

Duguan ka’t wala ng buhay. Nakahandusay at walang kulay. Dahil sa isang aksidenteng karumal dumal na tumapos ng iyong buhay.

Anim na taon narin ang nakalipas mahal ko; ngunit ako’y nakagapi parin sa pag ibig mo. Bulag at umaasang isang araw ay babalikan mo at isasaayos ang basag na ako.

(reposting this bc why not ;)😜)

Advertisements

Nagtataka ako kung bakit may mga taong nagtatanong kung normal lang ba na magmahal ng dalawang tao sa sabay na oras at panahon.
May mga kanta pa nga tulad ng “Mahal ko o mahal ako”, “Sana dalawa ang puso ko”. Hindi ko talaga makuha ang punto nito, dahil sa sitwasyon ko, dalawa ang minamahal ko.

Normal naman para sakin. Pakiramdam ko kasi di ako mabubuhay nang wala ang isa sa kanila. Gets mo ba yung punto ko? Kapag wala ang isa sa kanila, pakiramdam ko kulang ang mundo ko. Napakalungkot.

Ngayon nga’y mahimbing silang natutulog sa iisang kama, nasa iisang bahay lang kasi kami at payag sila sa ganoong arrangement. Siguro sapat na sa kanila na mahal ko silang dalawa. Alas tres ng madaling araw pero heto ako’t nakatitig sa kanilang dalawa; iniisip kung normal lang ba talagang magmahal ng dalawang tao sa sabay na oras at panahon.

Magkakaiba kasi ang pagmamahal ng tao. Kagaya ng una kong minamahal, malumanay siya pero di clingy. Siya yung tipo ng taong sobrang ma-asikaso. Hindi mo aakalain sa unang tingin sapagkat siya’y medyo “nakaka-intimidate” tignan. Korni din siya, wala sa hulog ang jokes at madalas di pumapatok ang mga ‘yon. Hindi ko rin alam kung bakit tuwing nasasaktan ako e siya ang una kong tinatawagan. Siguro kasi mas naging komportable akong magkuwento sa kanya.

Sobrang magkaiba sila ng pangalawa kong minahamal, dahil eto naman feeling #badass sa kabila ng katotohanang napaka lambot ng puso niya. Lahat ng gusto ko, hanggat maaari ibibigay niya. Tawagin niyo na ako’ng huthutera, pero kapag may kailangan ako, siya ang nilalapitan ko. Kahit hindi niya sabihin, alam kong handa siyang gawin ang lahat ng bagay para sakin.

Kahit na may pagkakaiba hindi ako nakaramdam ng kalamangan sa pagmamahal na mayroon ako sa kanila. Pantay na pantay, kala mo ginamitan ng panukat. Bagamat parehong pantay ay pareho rin naman itong nag-uumapaw.

Ayokong dumating sa punto na tatanungin nila ako kung sino ang mas mahal ko sa kanilang dalawa; kung sino ba ang pipiliin ko o mas pinipintig ng puso ko. Sapagkat kapag dumating ang panahon na ‘yon, baka di ako makapagsalita. Hindi ako makakapili, hindi ko kakayaning mawala ni-isa sa kanila.

Alam kong makasarili pero mas gusto kong minamahal sila sa sabay na oras at panahon. Hindi sila perperkto, pero habang sabay ko silang minamahal, pakiramdam ko buo ako.

Mag a-alas kuwatro na pero wala paring sagot sa tanong ko. Kung bakit nga ba hindi tanggap sa lipunan ang mga taong kagaya kong may dalawang minamahal. Minsan na kaming binansagang “hindi makuntento”, “imoral” at “di dapat tularan”. Walang sapat na ebidensya, walang sapat na rason.

Ngayo’y nakatitig akong muli sa dalawang taong minamahal ko. Masasabi ko’ng hindi ako nagkamali na minahal ko sila nang sabay.

Hindi sapat na dahilan ang pamamahiya ng lipunan para lang limutin ko ang isa sa kanila. Kaya’t huwag niyo akong sabihan ng “di dapat tularan”, “imoral” o “hindi makuntento”.

Hayaan niyo akong maging makasarili. Hayaan niyo akong magmahal ng dalawa sapagkat hindi talaga ako makapili sa kanila.

Mama at Papa, payag naman kayo na sabay ko kayong minamahal, ‘di ba?

satellites 🌼

Yakap.

“Ang ganda mo.”

Pangalawang beses mo nang ginawa sakin to at aminado namang kinikilig ako. May mga tao pala talagang  makaka-appreciate ng ganda mo on the most unexpected times.

Sa totoo lang, malapit ka na sa dream guy ko. Wala akong konsepto ng dream guy noon, kasi sobrang fictional na at halatang di na mangyayari. Yun nga lang, nakilala kita. Musician, out-going, matalino kahit na may pagka grammar nazi, kwela, sensible at maganda ang boses (well musician).

Ewan ko sa’yo. Kanina bago pa ako mag-ayos, niyakap mo na ako. Minsan may mga pagkakataong aabutin mo kamay ko tas matagal mong bitawan.

Kanina talaga, bigla kang lumapit sakin ‘saka mo ko niyakap,   “Ang ganda mo.” Sabi mo pa nga. Di ka pa bumitaw nun agad, niyakap din naman kita. Cute cute mo kasi.

Pagkatapos, inakbayan mo ako. Nilagay ko yung kamay ko around your waist. “Uuwi ka na?” Tanong mo.

“Di pa kuya. Kain pa kami.”

Okay na sakin na kahit papano e alam kong maganda ako sa paningin mo. Nakakatuwa ka kasi ang alam ko, ganyan din ang ginawa mo noon.

“Ganda naman nitong batang ‘to.” Sabi mo noon habang naglalakad sa back-stage.

Pagkatapos non, niyakap mo rin ako.

‘Di ka parin nagbabago.

(////will edit if needed. i really need to sleep, i’ve got exams tomorrow and my eyes are already burning)  

xx 44217

Y O U

I am myself when i’m with you

This is just too weird. I’m thinking of you right now. I know i’m talking to somebody else, i just can’t stop my thoughts— comparisons and what if’s.

Maybe I like it much more better when i’m talking to you. I hope you feel the same way.

heto nanaman

Kahapon. 

Kahapon bumalik ang lahat.

Yung kaba, yung excitement, saya at kilig.
Bumalik lahat sa isang iglap.

Eto talaga si Charie!” Pabirong sabi mo noong nagbibiruan tayo sa barn. Ako kasi ang nangongolekta ng articles at niloloko ko ang mga nagpapasa. Masaya ako tuwing nakikita kitang malapit. Sa totoo lang, gustong gusto kitang maging malapit sakin.

Hanggang sa sila Xyro kasama ang friends niyang magaganda (na usually ay sinasamahan mo) nagyayang pumunta sa Battle of the Bands. NEU Fair kasi. Gusto kong sumama, naexcite na ako kasi moment na yun para makakulitan ka. E biglang humirit yung kaibigan ko at sinabing, “Nood tayo show ah.”

Hindi ako nakatanggi. Sa isip-isip ko, sayang hindi pala kita makakasama.

Tinanong pa nga kami ni Xy kung sasama kami. Sabi ko “Hindi. Layo eh, dyan nalang sa malapit hahahahaha.

Pero okay lang. Malay mo may ibang pagkakataon pa. Nag-abang kami at pumila upang manood ng show (Freshmen Musicals: An American in Paris)

At oo nga. Bigla kang dumating at lumapit sa pila, kumakain ka pa nga ng seaweed candy (na bigay sayo ni Kuya Junel from Japan) tas nakita ko bigla mong i-dinura.

Ang lansa pala.”
Ano ba yan?” Si Dang.
Seaweed candy. Bigay to ni kuya Junel, akala ko naman yung sinasabi niya e yung isinasawsaw sa bagoong, yung nabibili sa palengke.

Tawanan.

Amuyin mo.”

Tas pinaamoy mo sakin. Ewan ko, di naman ako kausap mo. Si Dang diba? Pero pinaamoy mo din kay Dang. Malansa nga talaga.

Akala ko manonood ka Battle of the Bands?”
“Di ah. Support ako syempre! Saka ang layo e. Tinamad ako”

Same answer. Narinig mo kaya yung sinabi ko kanina?

Nakita kitang umalis. Sabi mo ikaw na hahanap ng SM nila na mag-aayos ng props sa loob ng barn.

Pinapapirma na kami for attendance.
Nag open house at pinapasok na ang mga tao.
Nagsimula ang palabas at hindi manlang kita nakitang bumalik.

Nalungkot ako syempre. Inaasahan kong babalik ka.

Buti nalang kalagitnaan ng show, nakakita ako ng lalaking kasing built ng katawan mo, kasing tangkad mo, kasing gwapo mo at kasing bango mo.

Bumalik ka.

Sa harap ka namin umupo.

Nagulat ako syempre. Kung alam mo lang kung anong feeling ng mini-heart attack na naramdaman ko nung makita kita. Nag lit up ang lahat ng bagay at ginusto kong tapusin ang show. Ang saya.

Lumingon ka pa nga, hinahanap mo ba ako? Kami? Tas napatingin ka sa direksyon ko. Bigla kang kumaway.

Nginitian kita. Kilig-kilig nanaman ako syempre.

Natapos ang show. Umalis kami ng barn, bago makalabas madadaanan ko ang kinatatayuan mo.

Nakita kong tumingin ka. Tumingin ka nga ba o guni-guni ko lang yun? Inaasahan mo bang tatawagin kita? Inaasahan mo bang sasabihin kong “uy sabay na tayo uwi”. Inaasahan mo ba?

Kasi gustong gusto kong sabihin yun pero hindi ko magawa.
Hindi ako tulad ni Lara na kayang sabihin yun sayo, hindi ako tulad ni Miriam para maagaw ang atensyon mo, hindi ako si Darlene para samahan mo at lalong lalong hindi ako ang babaeng magugustuhan mo.

Simple lang ako at umaasang mapapansin mo.

Hanggang sa pag-sakay sa tricycle nakikita kita sa isip ko. May nakita pa akong kapareho ng sapatos at pants mo. Akala ko ikaw, akala ko makakasabay na kita pauwi pero hindi.

Guni-guni ko lang ang lahat.

Pati sa panaginip, ikaw ang nasa isip ko. Napanaginipan kong kasama kita, sa isang lugar na malayo at di kilala.

Ang close natin dun. Nag-uusap tayo, nagsasayaw. Lahat ng pagdikit ng balat mo sa balat ko, parang totoo.

Siguro lahat ng bagay na nangyari sa panaginip ko kailanma’y di magkakatotoo.

​Maybe that’s how friendship works nowadays. You offer them everything and they don’t even appreciate it, then someone will walk into their life and they’re perfectly friends already. So frustrating.

F.r.i.e.n.d.s.

Napaka espesyal ba ng mga salita mo kaya ganito nalang ako kung mag-abang? 

Napaka espesyal mo ba para tignan ko maya’t-maya kung may mensahe ka na ba para sakin?.

Napaka espesyal ba ng mga pag-uusap natin kaya ganito nalang ako kung kabahan?

Ibang-iba yung kabog ng dibdib ko. Tatlong taon narin pala no? Hindi parin nagbabago pakikitungo mo. Ganun parin.

Siguro nga option lang ako. Ako lang yung lagi mong nakakausap kasi ako naman lagi yung available. Ako yung laging nagrereply kahit sobrang nonsense na nung pinaguusapan natin.

Ang labo. May magkaibigan bang ganito? May magkaibigan bang halos tatlong taon nang nag-uusap? Normal ba na magsabi ng “I miss you!”, “Ingat ka”, at “Mahal kita”?

Ginagawa ba ng normal na magkaibigan ang mag-usap kahit hanggang alas tres ng madaling araw?

Gawain ba ng magkaibigang walang namamagitan sa isa’t-isa na mag-usap sa loob ng tatlong taon? May mga tampuhan. May mga kalungkutan. Walang palya.

Hindi ko alam kung normal pa. Hindi ko alam kung kulang lang ako sa pakikipagkilala sa ibang tao. Masyado ko bang kinukulong ang sarili ko sa’yo?

Sabihin mo sakin, ano ba tayo? Kasi naguguluhan na ako. Natatakot na ako sa hindi normal na tibok ng puso ko tuwing nag-aabang sa reply mo. Maya’t-maya kong chinecheck kung sineen mo na ba o kung kahit “hahahaha” lang ang sinabi mo.

Sobrang layo mo sa mga nagugustuhan ko. Alam kong hindi ikaw. Pero ikaw ang nagparamdam sakin ng kalimitang saya, kalimitang lungkot, kalimitang galit, kalimitang inis. Siguro nga gusto kita. Pero malabong maging tayo.

Pipigilan ko ang sarili ko habang maaga pa.